Wednesday, March 24, 2010

Dahon ng pag-pagpatibay:

Bilang isang asignatura sa Filipino 102, Pagbasa, Pag-sulat sa Pananaliksik. ang pananaliksik na ito ay pinamagatang, "Ano Kagandahan ng Pangalan ng Negosyo ay Nakakahikayat sa mga Kostumer” ay ang maghahanda sa mga mananaliksik mula sa seksyon 1-Emid mula sa kursong Business Administration mula sa Unibersidad ng Santo Tomas na binubuo nina:

Rafael Martin Mendoza

Juan Carlo Reyes

John Lemuel Santiago

Joseph Robin Santiago

Ang Kagandahan ng Pangalan ng Negosyo ay Nakakahikayat sa mga Kostumer


Panukalang pahayag: Malaki ang naitutulong ng pangalan ng negosyo sa kita nito.


Introduksyon

Ang pangalan ay kailangan ng bawat tao. Ito ay importante para sa bawat isa tulad ko, ako ay may pangalan "Juan Carlo" o "Joco" ito ang tawag sa akin ng mga tao na nasa paligid ko. Ang isang grupo tulad ng "Black Eyed Peas" na ngayon ay sikat na sa buong mundo kung saan makikita mo ang isang Pilipino na si Apl de ap. Pati ang mga gusali ay mayroong pangalan tulad na lang "St. Raymonds building" na siyang nagsisilbing gusali para sa mga estudyante ng faculty of arts and letters at college of commerce. Tulad ng mga ito ang negosyo ay nararapat lang rin na magkaroon ng pangalan para ito ay makilala ng mga iba pang mga tao tulad ng "Mang Inasal" isang sikat na negosyo ngayon at mas lalo pang umuunlad at kumakalat sa buong Pilipinas at siguro ay kumalat sa buong mundo. Sa pag-daan ng panahon ang mga pangalan ng negosyo ay mas nagiiba o lalo pang nalilihis sa kinagisnan ng mga Pinoy. Naririto kami upang mapatunayan na ang pangalan ng isang negosyo ay nakakatulong sa kita nito.


Paglalahad ng suliranin:

Bakit binabase ng ibang mga negosyante ang pangalan ng kanilang negosyo sa kultura?

Saan kinukuha ang ideya ng pangalan ng negosyo?

Bakit kailangan ng tamang pangalan ng isang negosyo?

Maitataas ba ang benta base sa pangalan ng negosyo?


Rebyu/Pagaaral:

“One man’s dream, one country’s pride.” Discover. September 2009. Pp. 13.

Ito ay isang artikulo mula sa isang magasin, may isang negosyante na nagbahagi ng kanyang tagumpay, mula sa isang fast food chain na ngayon ay may humigit kumulang sa 200 branches sa buong bansa.

https://www.bnrs.dti.gov.ph/web/guest/home

Ang DTI ay ang departamento ng gobyerno na namamahala sa mga pagrerehistro ng mga negosyo. Dito sa website ng DTI makikita ang mga listahan ng registradong negosyo, mga negosyo na nagpapalit ng pangalan, at iba pa na may kinalaman sa negosyo sa buong pilipinas

Layunin:

Tukuyin kung bakit ang ibang negosyo ay sumisikat sa kanilang pangalan, Makapag bigay impormasyon sa mga may nais na mag-tayo, mag-franchise, mga estudyante na kumukuha ng entrepreneurship at mga may ari na ng negosyo na may gustong mag palit ng pangalan ng negosyo, Tukuyin ang magagandang kahalagahan ng pagbibigay ng maayos at makabuluhang pangalan

Kahalagahan:

Ang pananaliksik na ito ay magbibigay ng gabay sa pamimili ng pangalan ng negosyo, sa mga taong nagnanais o may balak mag pundar ng isang establishment. Ang mga makikinabang sa pananaliksin na ito ay ang mga negosyante at ang sektor ng kalakalan mga estudyante na kumukuha ng entrepreneurship.

Makikinabang din dito ang mga iba pang mananaliksik na may kaugnayan sa kanilang pinag-aaralan o topic, na nangangailangan din ng impormasyon

Metodolohiya:

Makukuha ang datos sa pamamagitan ng mga libro, maghahanap ng naayon na libro para sa pananaliksik, pipili ng magazine na may maidagdag na impormasyon, maghahanap sa internet ng kaukulang mga pahayag galing sa ibang mga tao, at pag-survey sa mga tindahan o lugar ng kalakalan, pagtatanong sa mga may ari ng negosyo sa pamamagitan nito ay malalaman mula sa mga may ari kung ano ang mga kalagayan ng negosyo.

Saklaw at Delimitasyon:

Ang pananaliksik na ito ay sasaklaw sa mga establishment sa U-belt area na may kinalaman sa negosyo at government agencies na may kinalaman sa negosyo tulad ng DTI at BIR ang bilang ng aming gustong makapanayam na tao ay lima (5) para sa nag palit na ng pangalan, dahil sa kanilang mga naranasan na kahinaan ng mga negosyo. At singkwenta na katao (50) para sa mga kostumer upang malaman kung may importansya ba ang pangalan sa negosyo. Ito ay makakatulong sa mga nananaliksik upang mas mapadali ang paghahanap ng mga impormasyon at makita ang mga kahinaan at kahalagahan na naidudulot nito sa kita ng mga negosyante.

Daloy ng pag-aaral:

Ang daloy ng pag-aaral ay mag sisimula sa intruduksyon ng mga mananaliksik na binubuo ng panukalang pahayag, rebyu/pag-aaral, etc. Susunod ay ang unang bahagi na binubuo ng pag-gawa ng questionnaire para sa mga negosyante at para sa mga kostumer. Ang ikalawang bahagi ay maglalaman ng mga datos ng pananliksik. At ang huli at ikatlong bahagi ay ang konkluyon


KATAWAN

I. Pagbuo ng Katanungan

Katanungan sa mga Kostumer

1. Ano ang pinaka paboritong kainan na iyong kinakainan?

2. Pag kayo ay kumakain sa labas, binabase niyo ba sa pangalan ang pinagkakainan niyo?

3. Kung ihahalina sa inyong pagkakainan, bigyan grado ang mga sumusunod kung saan binabase ang pagpili ng kainan. 1- pinakaimportante, 2- importante, 3- tama lang, 4- hindi importante, 5- higit na hindi importante

___ Lasa ng pagkain

___ Presyo ng pagkain

___ Kalakihan ng lugar

___ Ganda ng serbisyo

___ Lokasyon ng kainan

___ Pangalan ng kainan

4. Mas nakakagana bang kumain sa isang kainan ayon sa panglan nito?

5. Ano ang epekto ng pangalan ng isang negosyo sa inyo?



Katanungan sa mga negosyante

Pangalan ng negosyo:

Uri ng negosyo:

Address:

1. Ano ang dating pangalan ng negosyo?

2. Bakit ninyo naiisipan magpalit ng pangalan ng negosyo?

3. Saan ninyo nakuha ang ideya ng bagong pangalan ng negosyo?

4. Ano ang mga naging epekto ng bagong pangalan ng negosyo?

5. Magkano ang inyong kita ng hindi pa nakapagpalit ng pangalan at kita simula ng nakapagpalit na ng pangalan? Bilugan ang letra ng inyong sagot.

a. 1,000 – 5,000 a. 1,000 – 5,000

b. 5,000 – 10,000 b. 5,000 – 10,000

c. 10,000 – 50,000 c. 10,000 – 50,000

d. 100,000 pataas d. 100,000 pataas

(unang pangalan) (bagong pangalan)




II. Pagsusuri

Survey mula sa kostumer

1. Ano ang pinaka paboritong kainan na iyong kinakainan?

Sa tanong na ito ay inuri ng mga mananaliksik ang mga nasabing sagot sa mga kategorya na restaurant, carinderia, at fastfood chain. At sa natanggap na sagot ay 22 mula sa 50 katao ang nagsasabi na ang paborito nilang kainan ay fastfood chain, 15 katao ang sa carinderia at 12 katao naman ang sa restaurant. Sa pagsusuri sa resulta ng katanungan, karamihan ng mga tao ang paboritong kainan ay fastfood chain tulad ng Jollibee, mcdo, at kfc.

2. Pag kayo ay kumakain sa labas, binabase niyo ba sa pangalan ang pinagkakainan ninyo?

Sa pagsasaayos naman nito ay 17 mula sa 50 katao lamang ang sang-ayon, 27

naman ang hindi sang-ayon, at 6 ang hindi tiyak sa kanilang mga sagot. Lumalabas na karamihan ng tao ay hindi na tumitingin sa pangalan ng pagkakainan.

3. Kung ihahalina sa inyong pagkakainan, bigyan grado ang mga sumusunod kung saan binabase ang pagpili ng kainan. 1- bilang pinakaimportante, 2- importante, 3- tama lang, 4-hindi importante, 5- higit na hindi importante.




Pinakaimportante

Importante

Tama lang

Hindi importante

Higit na hindi importante

Lasa ng pagkain

35

9

3

3


Presyo ng pagkain

11

14

14

7

4

Kalakihan ng lugar

5

5

12

13

15

Ganda ng serbisyo

6

8

29

7


Lokasyon ng kainan

7

9

14

12

8

Pangalan ng kainan

10

10

11

9

10








Ipinapakita ng chart na ito na mas gusto ng mga tao na kumain sa kainan na masarap ang pagkain kaysa sa ibase sa pangalan ng kainan.


4. Mas nakakagana bang kumain sa isang kainan ayon sa pangalan nito?

27 mula sa 50 katao ang sang-ayon habang 23 katao naman ang hindi sumasang

ayon. Maraming tao ang mas gustong kumain sa kainan na may nakakaenganyong pangalan.

5. Ano ang epekto ng pangalan ng isang negosyo sa inyo?

32 mula sa 50 katao ang positibo sa pangalan ng isang negosyo habang 9 naman

ang negatibo at 9 din ang walang sinasang-ayunan. Isa sa mga positibong epekto na tinitignan ng kostumer ay ang inaalok na nagagawa ng pangalan at dating ng pangalan na nagbibigay ng magandang impresyon sa mga kostumer.



Survey sa negosyante

Pangalan ng negosyo: Plato de Paquita

Uri ng negosyo: Kainan

Address: Paquita St., Sampaloc Manila

1. Ano ang dating pangalan ng negosyo?

“ Tapsilogan sa Paquita.”

2. Bakit ninyo naiisipan magpalit ng pangalan ng negosyo?

“Naisipan naming magpalit ng pangalan ng nesgosyo kasi nakapangalan sakin ang negosyo ng nanay ko kaya pinalitan ng asawa ko.”

3. Saan ninyo nakuha ang ideya ng bagong pangalan ng negosyo?

“ Nagsearch lang sa internet. "

4. Ano ang mga naging epekto ng bagong pangalan ng negosyo?

“Maganda naman kasi madaling matandaan ng mga estudyante.”

5. Magkano ang inyong kita ng hindi pa nakapagpalit ng pangalan at kita simula ng nakapagpalit na ng pangalan? Bilugan ang letra ng inyong sagot.

a. 1,000 – 5,000 a. 1,000 – 5,000

b. 5,000 – 10,000 b. 5,000 – 10,000

c. 10,000 – 50,000 c. 10,000 – 50,000

d. 100,000 pataas d. 100,000 pataas

(unang pangalan) (bagong pangalan)



Pangalan ng negosyo: Rap- Rap Eatery

Uri ng negosyo: Kainan

Address: J. Barlin St., Sampaloc Manila

1. Ano ang dating pangalan ng negosyo?

“RLR”

2. Bakit ninyo naiisipan magpalit ng pangalan ng negosyo?

“Dahil nailipat sa anak ko ang business kaya nagpalit ng pangalan na Rap- Rap.”

3. Saan ninyo nakuha ang ideya ng bagong pangalan ng negosyo?

“Ideya sa isang anak.”

4. Ano ang mga naging epekto ng bagong pangalan ng negosyo?

“ Walang epekto ang bagong pangalan dahil yung customer na dati ay siya ring customer ngayon sa bagong pangalan.”

5. Magkano ang inyong kita ng hindi pa nakapagpalit ng pangalan at kita simula ng nakapagpalit na ng pangalan? Bilugan ang letra ng inyong sagot.

a. 1,000 – 5,000 a. 1,000 – 5,000

b. 5,000 – 10,000 b. 5,000 – 10,000

c. 10,000 – 50,000 c. 10,000 – 50,000

d. 100,000 pataas d. 100,000 pataas

(unang pangalan) (bagong pangalan)



Pangalan ng negosyo: Tere’s Food house

Uri ng negosyo: Kainan

Address: Sampaloc Manila

6. Ano ang dating pangalan ng negosyo?

“Kaloogs.”

7. Bakit ninyo naiisipan magpalit ng pangalan ng negosyo?

“Para makatipid sa pagpaparegistro ng pangalan sa DTI.”

8. Saan ninyo nakuha ang ideya ng bagong pangalan ng negosyo?

“Pangalan ng aking anak.”

9. Ano ang mga naging epekto ng bagong pangalan ng negosyo?

“Wala naman dahil ang bagong pangalan ay pang formality lang.”

10. Magkano ang inyong kita ng hindi pa nakapagpalit ng pangalan at kita simula ng nakapagpalit na ng pangalan? Bilugan ang letra ng inyong sagot.

a. 1,000 – 5,000 a. 1,000 – 5,000

b. 5,000 – 10,000­ b. 5,000 – 10,000

c. 10,000 – 50,000 c. 10,000 – 50,000

d. 100,000 pataas d. 100,000 pataas

(unang pangalan) (bagong pangalan)


Pangalan ng negosyo: Ate Eva’s Grill

Uri ng negosyo: kainan

Address: UST carpark

1. Ano ang dating pangalan ng negosyo?

“Vicky’s Catering Services.”

2. Bakit ninyo naiisipan magpalit ng pangalan ng negosyo?

“Dahil ibang lugar na ang UST kasi dati nasa labas ng eskwelahan ang lugar ko.”

3. Saan ninyo nakuha ang ideya ng bagong pangalan ng negosyo?

“sa pangalan ng kapatid ko.”

4. Ano ang mga naging epekto ng bagong pangalan ng negosyo?

“halos parehas din at walang halos pinagbago.”

5. Magkano ang inyong kita ng hindi pa nakapagpalit ng pangalan at kita simula ng nakapagpalit na ng pangalan? Bilugan ang letra ng inyong sagot.

a. 1,000 – 5,000 a. 1,000 – 5,000

b. 5,000 – 10,000 b. 5,000 – 10,000

c. 10,000 – 50,000 c. 10,000 – 50,000

d. 100,000 pataas d. 100,000 pataas

(unang pangalan) (bagong pangalan)


Pangalan ng negosyo: Samantha Sizzling Food house

Uri ng negosyo: Kainan

Address: Asturias St., Sampaloc, Manila

1. Ano ang dating pangalan ng negosyo?

“Rose Sizzling Food house.”

2. Bakit ninyo naiisipan magpalit ng pangalan ng negosyo?

“Dahil may kapangalan sa DTI ang dating pangalan na Rose.”

3. Saan ninyo nakuha ang ideya ng bagong pangalan ng negosyo?

“ Sa aking anak.”

4. Ano ang mga naging epekto ng bagong pangalan ng negosyo?

“Wala namang epekto ang pagpapalit ng pangalan.”

5. Magkano ang inyong kita ng hindi pa nakapagpalit ng pangalan at kita simula ng nakapagpalit na ng pangalan? Bilugan ang letra ng inyong sagot.

a. 1,000 – 5,000 a. 1,000 – 5,000

b. 5,000 – 10,000 b. 5,000 – 10,000

c. 10,000 – 50,000 c. 10,000 – 50,000

d. 100,000 pataas d. 100,000 pataas

(unang pangalan) (bagong pangalan)


III. Pagwawakas

A. Konklusyon

Sa pag aanalisa ng mga datos na nakuha mula sa kostumer, natuklasan ng mga mananaliksik na karamihan ng mga kostumer ay hindi tumitingin sa pangalan ng negosyo, kundi sa naibibigay nitong serbisyo. Sa pag aanalisa naman sa datos mula sa mga negosyante, natuklasan ng mga mananaliksik na ang magandang pangalan na naiiwan sa mga kostumer ay nagmumula sa pamamagitan ng pag bibigay ng ginhawa, magandang serbisyo , at pagkakaroon ng magandang relasyon sa mga kostumer.

Isa rin sa mga natuklasan ng mga mananaliksik na karaniwang nakabase ang pangalan ng negosyo sa mga anak, asawa, o kapamilya ang pangalan ng negosyo. Kadalasan na gumagamit rito ay ang mga negosyante na nagsisimula sa maliit.

Ang pananaliksik na ito ay nagpapakita na ang pangalan ng isang negosyo, maliit man o malaki ay importante hindi lang para sa negosyante kundi pati na rin sa mga kostumer. Nailahad dito na ang paglalayag ng isang kaakit-akit na pangalan ng negosyo ay napakalaking tulong para sa kita ng isang negosyo. Ito ay nakakatulong hindi lamang sa mas magandang pagkilala ng mga kostumer sa negosyo kung hindi pati an rin sa pag taas din ng kita nito.


B. Rekomendasyon

Ang mairerekomenda ng mga mananaliksik sa mga nag-nanais mag tayo ng negosyo na pangalanan ang kanilang negosyong balak itayo ng isang kakaibang pangalan na mag-iiwan ng tatak sa mga tao, at para sila ay laging bumalik sa inyong tindahan. Maipapayo din ng mga mananaliksik na wag magisip ng pangalan na mahirap tandaan upang madaling matandaan ng mga kostumer ang inyong pangalan ng negosyo.


C.Pasasalamat

Ang mga mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat sa mga napagkuhanan namin ng mga impormasyon ukol sa aming paksa. Sa nagmamahal naming propesor na pumayag sa pananaliksik ng grupo. Ang mga mananaliksik ay lubos rin na nagpapasalamat sa mga nakapanayam na mga hindi kakilala, estudyante, mahilig kumain, at sa mga kaibigan na laging nasa tabi para tumulong.

Ang mga mananaliksik ay lubos na nag-papasalamat sa may-ari ng mga kainan na Samantha’s Sizzling House sa kanilang mainit na pag-tangap at sa masarap na adobo sa gata at sizzling liempo, Rap-Rap Eatery sa madaling pag-uusap at sa kabaitan, Eva’s Grill sa maikling panahon na ibinigay, Kaloogs na kahit gabi na ay nag bigay pansin pa rin sa mga mananaliksik, at Plato de Paquita sa napakasarap na manggo shake. Lubos na nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa pag tanggap at maayos na pakikipagpanayam na mga negosyante.

At higit sa lahat ang mga mananaliksik ay nagpapasalamat sa Diyos na may kapal sa pag-gabay niya sa mga mananaliksik sa pag-pupuyat, pagtitimpi, pag-piga ng isip at sa lahat ng pasakit na napagdaanan.